January 23,2011
Alarm clock: @ 4:00 a.m. tootooot tootoot...
Kate: *hits the snooze button*
alarm clock:: @ 4:15 a.m. tootoot tootoot
Kate: *double hit on the snooze button*
alarm clock: @ 4:30 a.m. tootoot tootoot
Kate: *slams the snooze button*
alarm clock: @ 4:45 a.m. TOOTOOT TOOTOOT!!!!
Kate: What the hell???!!! ang ingay mo naman, anong oras na ba kasi? *looks at the clock* ay potttttt....tatakbo pala ako ng 5am
So I dragged my lazy ass out of bed..ran to the bathroom..took a quick shower..and off I went to CME. Good thing Manong Alvin (Alvin pala pangalan nya, not Aldrin) and his son, kuya Toffer were patiently waiting for me...
Kate: Nong pasenya na po, na late ng gising
Mang Alvin: ok lang neng, kaaalis labng din nila..habol na lang tayo
Kate: e hindi pa ho ako nagsstretch
Kuya Toffer: hindi na kelangan, long run tayo ngayon
Kate: ganun po ba, e gaano ho ba kahaba ang long run na sinasabi ninyo
Mang Alvin: 25 KILOMETERS lang iha..
Kate:( put@#%^&^ yan...tama ba tong pinapasok ko?!) teka po, seryoso po kayo?
Mang Alvin: OO, maganda ang trail magugustuhan mo..3 bundok ang aakyatin natin
Kate: weh?
Kuya Toffer: oo nga, tara na!
***TAKBO TAKBO TAKBO...walang katapusang takbo***
I was with Taytay Roadrunners Association by the way, the 1st and only recognized running organization in Taytay...my new found friends were all marathoners, some even coveted significant places during runs..The oldest runner is a 65 y/o male..BEAT THAT! Yung isang runner tropapips pa ni Elma Muros. Bigatin men! at pota..eto ako nakikipagsabayan sa kanila...
Unang bundok:
Manong1: Ayos si beth (believe it or not, they call me Beth..they thought my name is Beth and I never corrected them all the way..so hanggang ngayon ako pa din si Beth para sa kanila) ang lakas ah...naglelead pa
Manong Alvin: syempre..tinetrain ko yan e..mag M-milo na yan next time..42K
Kate: (Itang ina, puputok na muscles ko sa hita..tigilan nyo pambobola nyo!) haha...pagod na ako nong, pero carry pa..bday run e..kelangan matapos
Pangalawang bundok:
Kate: nong, slow down na muna, magpapass out na ata ako
Mang alvin: ocge,,dahan dahanin muna natin ang takbo
Manong 2: 1st time mo?
Kate: sa ganitong akyatan..opo. sa ganito kahabang trail..OPO.
Manong Sonny: ah....hintayin mo yung pangatlong bundok..magugustuhan mo
Pangatlong bundok:
Kate: ANG TARIK!!!! kaya ko ba to nong?
Mang alvin: kaya mo yan...maliit lang ang hakbang. ang kamay mo ilagay mo sa baba..hips level lang. Ganyan kapag akyatan, lalo na ganitong klaseng bundok.
Kate: e nong, yung jeep na dumaan nga nahirapan umakyat e..pano pa ako..baka ma deads na ako nyan
Mang alvin: hindi yan!
AND I EFFIN' SURVIVED THE 3 FRIGGIN MOUNTAINS OF ANGONO RIZAL...pagdating sa flat land
Kate: uy...may lakas pa ko! astig
Manong Sonny: yan ang tinatawag na Second Wind
Kate: Second wind? (sounds jargon to me) ano po yun?
Manong Sonny: Ang second wind ay ang panibagong lakas na maibubuhos mo pa sa last few legs ng run...yung akala mo susuko ka na pero pag malapit na e nakakapagsprint ka pa..madaming nanalo sa second wind..yan ang hindi ko prinactice dati, ngayon ko pa lang natututunan yan, kasi ang pace ko all the way iisa lang..nauubos na ako sa last few legs..magaling ka magtipid ng lakas at maswerte ka kasi lumalabas sayo ng natural ang second wind.
Kate: ahhhh para pong adrenaline rush? tipong pag nasunugan ka ng bahay mabubuhat mo yung ref ninyo..ganun ho ba?
Mang Sonny: oo parang ganun
Kate: Astig!
Manong 3: Alvin, pasakayin mo na ng traysikel yan pagdating ng antipolo, baka hindi na nya kayanin pababa ng hilltop
Mang alvin: kaya pa nya yan!
Kate: kakayanin nong, BDAY RUN e!
Manong 3: cge..bahala kayo!
Second wind is a phenomenon in distance running, such as marathons or road running (as well as other sports), whereby an athlete who is too out of breath and tired to continue suddenly finds the strength to press on at top performance with less exertion. The feeling may be similar to that of a "runner's high", the most obvious difference being that the runner's high occurs after the race is over.Some scientists believe the second wind to be a result of the body finding the proper balance of oxygen to counteract the buildup of lactic acid in the muscles. Others claim second winds are due to endorphin production, while still others believe it to be purely psychological.
-----wikipedia
*AFTER 3567808978798799008008098222212 years....nakarating din ng CME*
Mang Alvin: Mga pare, andito na kami..natapos ni Beth ang long run!
Kate: *REJOICE! BEAT THAT!*
Yes..it was my bday yesterday...and Yes..I ran my 1st 25K without any regrets...napagod ba ako? oo...abot ulo ang pagod ko. nasaktan ba ako? oo, pumuputok na mga muscles ko sa hita..tumigil ba ako? hindi..naglakad oo, kasi di na kaya itakbo pero pipilitin pa din..uulit pa ba ako? DEFINITELY...ISANG MALAKAS NA OO! See you TaRRA next Sunday! Bring it on
*My apology for lack of documentation...the friggin cam went dead the night before the run so it's futile to bring it with me,,pero mamatay man ako ngayon, pramis tumakbo ako ng 25K at pwera exaggeration, bundok sya na solid sa tarik..next week I'll bring the cam with me so I could post a photo of the mountain here*