Tuesday, February 1, 2011

En.Bi.Ay

Wala sana ako balak mag update ng buhay ko, kaso syet na malagkit...nakakaburat lang talaga ang experience ko ngayong araw na to. I may get different reactions and POVs..some of you might or might not agree, but I completely understand, anyway we're all entitled to our own opinion. Just.....let me vent this out in my breathing space will you...woohsaa! Ok, ilan na ba sa tin ang nadismaya sa serbisyo ng isang ahensya ng gobyerno? Raise your hands people! I'm raising mine...both of them actually! O sya, ako na ang reklamador, ako na ang maarte, ako na ang maikli ang pasensya, ako na ang prinsesa ng tantrums..but come to think of it, nagbabayad tayo ng tamang buwis yet eto ang kapalit ng bawat sentimong kinakaltas nila sa sahod natin? That ain't fair because I strongly believe that they can deliver good services if they want to! I've proven that to some agencies like DFA, LTO and SSS to name a few. Kaya nga minsan, just to save my ass from all the hassle, I initially check online if what I need is available for delivery, kesehodang magbayad ng doble.

Dati rati, NBI ang pinakapaboritong government agency ko kasi swabe ang serbisyo nila nung nasa Carriedo pa. Organized and timely lahat, Pero ngayong nasa monumento na sila, men sakit sa bangs..parang palengke lang therefore isa na sya sa lugar na nais kong burahin sa mapa ng Pilipinas, or pwede din namang nagkataon lang na ang iniisip ko ay iniisip din nila at iniisip ng lahat...na walang tao sa patay na araw gaya ng Tues, Wed, Thurs.Oh well, bakit nga ba tayo kumukuha ng NBI clearance...ano nga bang silbi nito? Ayon sa aking pananaliksik sa google, ang NBI clearance ay isang importanteng dokumento na magpapatunay na wala kang kahit anong criminal record at hindi ka magiging threat sa kung ano mang papasukan mong trabaho o bansa. Isa syang requirement bago matanggap sa trabaho o bago makakuha ng visa para makapangibang bansa. So bakit ko kelangan ng NBI? POEA registration purposes...kaya sa mga nagbabalak magpa rehistro sa POEA, ngayon pa lang lakarin nyo na ang NBI ninyo. Oo hindi ako tanga, alam kong may iba't ibang branches ang NBI sa buong ka Maynilaan, ngunit, subalit, datapwat pinili kong kumuha sa main sa pag aakalang mas mapapadali ang proseso, but I was proven wrong..para tuloy akong tinampuyong ng kanta ng brownman revival sa ulo...MALING AKALA.

Let's review some steps in getting an NBI clearance/renewing an NBI clearance shall we?

1.) Kelangan mo mag secure ng form kapag mag aapply ka ng bagong NBI clearance (syempre naman!) pero pag renewal lang pwede ka na dumeretso sa loob at pumila rekta sa payments. Kaso may catch, may signage dun na nakalagay "pumila dito: renewal/new application" so mapapa isip ka talaga na iisa lang ang pila pero WRONG...sa iyong kaliwa ang pila ng new applic, sa bandang kanan ang pila ng renewal...napansin ko lang na madaming bumalik sa square one kanina kasi misonformed ang mga tao sa basic information gaya nito. Sa pagkuha pa lang ng form e aabutin ka na ng siyam siyam sa paghihintay sa pila, kaya i-ready ang sarili sa possibleng pagkabagot...payo ko lang, ipa-save ang spot sa tao s likod mo sabay tumambay muna sa isang kiosk e.g. Egg mess station..at kumain ng tokneneng at penoy na binabad sa mantika. Onga pala, may mga nagooffer din ng cedulla sa labas ng mall pero babala: wag mawindang dahil hindi na kelangan ng cedulla, 2 valid I.Ds lang and your good to go.
2.) Syempre kelangan mo i-fill out ang form di ba...pagpasok mo sa bandang kanan, may humongous tarpoline dun na guide mo para hindi ka masermonan ng ale/mama sa data check...sundin mo by the book..pero gamitin ang kunsinte kumon..hindi lahat ng makikita sa tarp ay dapat kopyahin.
3.) Data check: dito iveverify kung tama ba ang mga detalye na pinagsususulat mo sa application form o sadyang nangttrip ka lang..BTW medyo magaan at mabilis ng super slight ang pila dito...siguro sakto na ang mga 10 min mo.
4.) Payments: eto ang side trip sa impyerno...brutally gruesome ang pila..tipong abot timbuktu sa haba, dami pa buraot na pa-simpleng sumisingit, kaya kung mainitin ang ulo mo e makakapatay ka ng tao. Ang pila dito ay lumiliko, nagsasanga, nanganganak, bumubunga....papasok pa lang yon. Pagpasok mo e madaming bintana kung saan pwede magbayad ngunit konti ang empleyadong naka abang sa bawat bintana kaya tip: magbaon ng eksaktong pera at gamitin ang automated machine upang makapagbayad ng mabilis at maka proceed sa susunod na step which is:
5.) Quick search: dito malalaman kung may ka-hit ka na pangalan...kung Juan Dela Cruz ang buong pangalan mo e don't fret...mapapatagal ka lang sa releasing..mga sakto na ang one week na paghihintay, pero pag in dire need of NBI clearance at ikaw ay si Juan DelaCruz, sorry na lang boi pero there's no way in hell na makukuha mo sya same day. Dito din sa quick search dito malalaman kung ikaw o may kapangalan kang ex-convict, terorista, manggagancho, rapist, mamamatay tao o pugante...record check kung baga. Kaya pag dito pa lang e alam mong papalya ka na, save yourself from all the hassle at umuwi na bago ka pa ipahuli't ipakulong ng di-oras..remember ang motto nila ay Nobility, Bravery and Integrity kaya dude, no way out ka..mahuhuli ka balbon.
6.) Image capture: syempre pipiktyuran ka para may souvenir sa dokumento mo!haha But seriously, ng litrato na yun ang magsisilbing identification na ikaw mismo ang taong nakasaad sa NBI clearance, bawal proxy!
7.) Finger printing: parang bumoboto ka lang...isasawsaw sa ink yung mga daliri mo, ilalapat sa application form...in short, dudumihan nila ang bagong manicure mong mga kamay.But don't fret...may tig ttatlong pisong tissue at alcohol namn na available para hindi ka umuwing gusgusin.
8.) Registration: dito mo malalaman kung marerelease ang NBI clearance mo same day or maghihintay ka ng isang dekada bago ma release ang kapirasong papel na nagsasabing clear ka of criminal records. Naalala ko, nung una akong nag apply ng NBI clearance, may makulit na ale na tanong ng tanong kung bakit isang linggo pa marerelease ang clearance nya, si ate sa likod ng bintana e todo paliwanag naman kaso nakulitan na talaga..sa bwisit nya tinatakan nya ng 2 weeks ang release...kaya paalala lang..wag kang makulit, pag sinabing 3 days..e di 3 days..pag sinabing 1 week..wag ka na umangal!
9.) Release: yun na ang bunga ng iyong paghihirap at maaari ka ng mag chillax...plugging: sa 3rd floor ng mall e may nag ooffer ng tig 100 pesos na massage service, pwede ka sumide trip para ma relax bago bumyahe pauwi.

On a personal note:

*** Sabi ng katrabaho ko, 30 min lang daw inabot ang pag aapply nya ng NBI clearance...yung isang kaibigan ko naman e 1 hour daw...Pero bakit ako, sa pangalawang pagkakataon e umabot ng kalahating araw?! Sinunod ko naman ang lahat ng payo nila, nung una pumunta ako ng maaga sa patay na araw...wala din, inabot pa din ako ng siyam siyam...ngayon naman, medyo late lang ako ng slight na slight....ganun pa din. Talaga nga naman, pag kinan*** ng kamalasmalasan e mamalasin ka...wala naman ako balat sa pwet, pero bakit ako?Ako na nagiging matapat na mamamayan ng bayang ito...tssssss So yeah, I ended up getting a form and having it checked...the rest is history. Kelangan kong bumalik sa ibang araw para tapusin ang aking sinimulan. Kaya naman NBI...Please...please..please...be kind to me the next time around. :(

No comments:

Post a Comment