usapang mag ama...
Kate: Dad, how did you keep up with mom's behavior? She's crazy and I know you know that...
Dad: Simple lang, mahal ko sya...nagkakilala na kaming ganyan sya at hanggang sa tumanda kami hindi magbabago yun...mamahalin ko pa din sya...kaya anak Pakiusap ko lang sa inyo, lawakan nyo pa pang unawa ninyo, palawakin din ang pagmamahal sa puso ninyo, wag nyong hayaang matalo kayo ng galit at wag kayo mag dwell sa past...move on...at pinaka importante, magdasal ng mataimtim..Kahit anong mangyari, nanay nyo yan...ganyan sya kasi mahal na mahal nya kayo.
***Nakakapanibago...lumaki ako ng malaki ang takot sa tatay ko..kasi lagi nyang sambit sa kin nung kabataan ko "ano matigas na mga buto mo, kaya mo ng lumaban?" lagi nya ako hinahamon sa bawat kalokohan na ginawa ko "ano, may sanga na sungay mo? babaliin ko yan, tumino ka lang"...Sa bawat hagupit at salita..wala akong nagagawa kundi tumiklop ang tuhod at itago ang sungay. Literal ang fear ko sa kanya...Hindi naman sa battered kid ako, over disciplined lang siguro to the point na gusto ko kumawala. Hmmmm...naaalala ko pa nung muntikan ko na masunog ang bahay namin sa kagustuhan kong maging mala Julie de Vega sa olympics na nag light ng torch..ayun sinindihan ko ang bagong gawang christmas tree ng tatay ko (uso pa noon ang home made christmas tree)...latay ang inabot ko sa mura kong edad. Pero ang bawat latay e nagsilbing paalala na mahal nya ako at ito ang nagpatibay sa duwag kong puso. Oo, malakas ang loob ko mag gago noon pero duwag ako, siguro mas appropriate sa kin ang carefree at careless. Pero ngayon, Napa elibs ako ng tatay ko sa lawak ng pang unawa nya..at ngayon ko lang napatunayan ang lalim ng intelektwal nya. Sana namana ko yun, sana sa pagtanda ko maging katulad ako ng idolo ko. Sa kabila ng pinakita kong ugali kanina, natamo ko lang e mahigpit na yakap mula sa tatay ko at isang mahinang bulong sa tenga na "Anak, naiintindihan ko ang galit mo.."
****Kasing lupet ng hagupit ni Ondoy ang sitwasyon ngayon...hindi ko ma define ang pain at regret. Pain mula sa salitang hindi na kaya bawiin kahit ilang libong salapi pa ang ihampas sa mukha ko, at regret na naging malakas ako...at malakas na ang loob ko makapanakit ng taong mahal ko. Natatakot ako sa panibagong lakas na nadiskubre ko sa pag-aaral ng muay thai...hindi ko pa alam kung pano ko gagamitin ang lakas na to lalo na pag galit ako. Either nakakasakit ako or nasasaktan ko sarili ko. Pero isa lang ang alam ko..ang strength na ito ang makakapagpatibay ng loob ko at makakatulong sa kin upang malagpasan ang hamon na ito. Natatakot lang ako sa markang maiiwan ko sa utak ng mommy...struggling kaming lahat ngayon..Natatakot kami para sa mommy ko..nurse ang ate ko at pharmacist naman ako, base sa assesment namin e nawawala na sa sarili nanay namin. Unang una, there is what they call post menopausal psychosis which we believe is what she has right now..pangalawa naluto utak ng nanay ko sa sibutramine at amphetamine pa ata sa sobrang die hard nya magpapayat, lahat na ng diet pills nilagok nya, pangatlo, di ko din naman masisi, tarantado talaga ako dati. Ang OA ko nga ngayon e, trying hard to the nth level na maging matino, pero kahit anong pagmamalinis ang gawin ko hindi na ata mawawala sa isip nya na minsan akong naging black sheep. Pero anu't ano pa man, hindi matatapos sa araw na to ang pagpapatunay kong mahal ko sya at hindi ko sya iiwan magkamatayan man...I'll go to hell and back for mommy. Kaya tama si dad, kelanganang palawakin pa lalo ang pagmamahal sa puso para lubusang maintindihan ang sitwasyon...Im not quitting...sabi nga nila "rest if you must, but don't quit" Bagkos ay manghihingi pa ako ng isang katerbang pasensya sa May Kapal....for now, I wallow in pain..yun ang alam ko.
I know you and your family. I'm not gonna say how but trust me when I say I really do. I feel sorry for how you feel. That you have to go through this. I know how it feels like to justify things through science, when as a matter of fact, they're simply emotions ticking like a time-bomb, and is now exploding in all its glory. I feel for you. It's good that you feel this. That you feel bad about the situation; it means you care. Don't get used to it, 'coz when you do, that's when you stop caring. I'm sure whatever is left of your mom, she can still feel it that you care and love her. Keep the Faith.
ReplyDelete